Ang Pagtuturo ng Panitikan sa batayang Edukasyon Sa isang pambansang seminar na dinaluhan ng mga guro sa Filipino mula sa mga paaralang pribado at publiko sa iba¶t ibang panig ng ating bansa, sinimulan ko ang aking panayam sa tanong na: Anu-ano ang inyong problema sa pagtuturo ng panitikan sa inyong mga klase? Napakarami at iba-iba ang nakuha kong sagot mula sa mga partisipant ng nasabing seminar, ngunit ang pinakapalasak ay ang kawalan ng interes ng mga mag-aaral sa pagbabasa ng mga akdang pampanitikan. Samantala, sa isang klase ko sa Filipino sa kolehiyo, isang mabilisang sarbey ang aking gi
↧