Kabanata I Isang Handaan Isang marangyang salu-salo ang ipinag-anyaya ni Don Santiago de los Santos na higit na popular sa taguring kapitan Tiago. Kabilang sa mga bisita ang bagong dating sa Pilipinas na si Padre Damaso na nailabas ang kanyang mapanlait na ugali.
Kabanata II Si Crisostomo Ibarra Ipinakilala ni Kapitan Tiyago si Ibarra sa pagsasabing ito ay anak ng kanyang kaibigang namatay at kararating lamang niya buhat sa pitong taong pag-aaral sa Europa. Tulad ng kaugaliang Aleman na natutuhan ni Ibarra buhat sa kanyang pag-aaral sa Europa, ipinakilala niya ang kanyang sarili sa mga nandur
↧